pangakong hindi kita papangakuan

Angst 30K Active
Author: kkaonashh
Latest: :))
Time: 2023-11-02
Summary:

was A.M. Isa itong kwento kung saan kahit anong lapit ng tao sa‘yo, kahit gaano pa kaliit ang mundong ginagalawan niyo, hindi niyo pa rin malalaman kung maaabot niyo ang isa’t-isa.  Kahit nakaunat ang iyong braso para abutin ang kaniyang kamay, kung ayaw niya itong tanggapin, kung ayaw niyang ipagsiklop ang inyong mga daliri, wala rin.  Wala ring mangyayari.  Wala ka ring magagawa. ForewordIlang buwan ko itong pinag-isipan. Hindi ito dapat para kay Kang Seulgi at Bae Joohyun, pero hindi pwedeng hindi ito para sa kanila. Kung may pagkakapareho man ang istorya ko sa istorya ng iba, hindi ko na iyon kasalanan.  Basta ang istoryang ito ay mula sa aking imahinasyong gabi-gabi kong iniisip.  Maraming salamat sa mga nag-encourage sa akin na ituloy ang pagsulat ko sa istoryang ito. Nawalan man ako ng pag-asa sa gitna ng proseso, nagpatuloy pa rin ako dahil sa inyo. Dahil sa SeulRene, at dahil sa‘yo.  Kung mababasa mo man ito, edi thank you, haha. Gusto ko lang sabihin na, maraming salamat dahil isa ka sa mga naging inspirasyon ko sa pagsulat ng kwentong ito.  Kahit medyo late ka nang dumating sa buhay ko at buo na ang istoryang ito sa isip ko bago ka pa sumulpot, isa ka rin sa dahilan kung bakit ko ito pinagpatuloy. At sa iyong nagbabasa nito ngayon, maraming salamat. Samahan niyo akong tahakin ang landas na pasuray-suray, dahil isusulat ko ang kwentong ito habang sinusubukan kong lumaban sa hamon ng buhay.

Top