Chapter 1 (1/1)

Chapter 1 “Kai-yah!” Kahit hindi lumingon ay alam na ni Kai kung sino ang taong tumatawag ng malakas sa kanya kahit pa nasa gitna sila ng maraming tao. Lumingon siya at nakitang tumatakbo papalapit sa kanya si Chanyeol. Kita rin nya sa likod nang tumatakbong si Chanyeol ay tumatawa ang iba mga kaibigan nya. Si Sehun at nakangisi habang umiinom ng Bubble tea. Si Baekhyun-hyung na tumatawa pero hindi umaabot sa kanyang mga mata. Si Suho-hyung na tumatawa sa reaksyon ni Chanyeol. “Kai-yah!” Agad na yumakap si Chanyeol kay Kai nang makalapit. Tinapik naman ni Kai ang liko din Chanyeol. Hindi sa pagmamayabang, pero unang araw palang na nakita nya si Chanyeol na nakatingin sa kanya ay alam na niyang may gusto ito sa kanya. Ngumisi siya at tinapik sa balikat ang ibang mga kasama. “Saan klase natin?” Tanong ni Kai sa kay Suho. Inilabas ni Suho ang kanyang planner para malaman kung saan ang kanilang klase apra sa oras na iyon. “Ah… Philosophy ang klase natin ngayon sa EZE 108. Oh Sehun, itapon mo na nga yang bubble tea mo. Kanina pa yan walang laman. Hindi healthy ang ganyan.” Kung may isang bagay man na nakakatuwa kay Suho-hyung ay ang pagiging maaalalahanin nya sa amin. Ayaw nyang kumakain kami ng junkfoods. Ang alam lang ata nyang salita ay ‘healthy’. Nang makarating kami sa room ay inilabas ko ang cellphone ko para panuorin ang music video na inaaral kong sayawin. “Ah, Kai-yah. May dancing lessons ako mamaya. Gusto mong sumama?" Ano raw? Dancing lessons? Agad na nakuha ni Chanyeol ang pansin ni Kai dahil sa sinabi nito. "San yan? Game ako dyan!" Pumapalakpak si Chanyeol dahil sa tuwa na sasama sa kanya si Kai. "Sa Downtown Seoul lang." Ngumisi siya na parang hindi parin makapaniwala.   "Kai-yah!" Kumaway si Chanyeol nang makitang lumabas si Kai ng kanilang department. Nakita rin nyang naroon ang iba nitong kaibigan. "Chanyeol, kumalma ka nga. Fanboy feels mo nanaman kay Kai!" Pagalit si Baekhyun na tila possessive ne girlfriend. Tumawa si Sehun habang umiinom ng bubble tea at tinapik ang balikat ni Baekhyun. "Baekhyun-hyung.. Hindi mo kasalanan na platonic kayo ni Chanyeol-hyeong." Tumawa si Sehun sa sinabi nya kay Baekhyun na ikinatawa rin ni Suho. "Kanina pa kayo dito?" Tanong ni Kai habang inaayos ang isang strap ng kanyang backpack na nakalaglag. "Kalalabas lang namin." Masayang sabi ni Chanyeol. "Oo... Kalalabas lang namin.. Mga 30 minutes ago." Pabulong na sabi naman ni Baekhyun. Napag-alaman nyang sasama rin ang mga kaibigan nila sa Dancing school. Kaya silang lima ang sabay sabay na sumakay ng bus.   "Good afternoon." Tumaas ang paningin ni Kai ng makarinig sya ng medyo may kalalimang boses hudyat na dumating na ang kanilang instructor. "Good afternoon, D.O sunbaenim." Napanganga si Kai ng makita kung gaano ka-cute ang kanilang instructor. Meron siyang medyo may kalakihang mata pero bagay lang sa mukha nya. At ung.. ung heart shaped na lips. Damn.  Hindi na makapag-concentrate si Kai sa pakikinig ng mga tinuturo sa kanilang basics ni D.O sunbaenim. Kung paano dapat i-flex ang mga muscles nila sa klase para hindi sila magka-muscle cramps.

"I promise, I'll take it slowly. Para naman hindi kayo masaktan." Napailing si Kai dahil iba ang kanyang naisip sa sinabi ng instructor nila. Damn. How can he be so cute? Dahil first day naman ngayon, sa susunod na meeting na daw kami magsimula. Ang gusto nya maghanda na kami ng isang sayaw para may ma-i-polish kami sa recital. Nakita kong nakipag-kamayan si Chanyeol kay D.O Sunbaenim. "Ah, hyung. Mga kaibigan ko pala. Si Kai, Sehun, Suho at Uh.. Si Baekhyun." Ngumiti si D.O Kaya naman nakita ko ung heart-shaped nyang lips. Damn. Why am I having these thoughts? Seriously? "Hi, guys." Ngumisi siya at kinamayan kaming isa isa. Nang ako na ang kakamayan nya ay medyo natulala ako. Nagdadalawang isip kung kakamayan ba o hindi. Pero nang abutin ko ang kamay nya at magtama ang mga palad namin ay parang kinuryente ang buo kong katawan. Did that just happened? Bakit nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko? "A-ah.. Nice to meet you.." Utal na sabi ni Kai at agad na binawi ang kamay. Halatang nagulat si DO pero ngumiti lang ito at tumango. Hindi narin sila nagtagal dun dahil may pasok pa sila bukas at marami silang gagawin. Hindi araw araw ang dancing lessons nila. Tuwing Monday-Wednesday-Friday lang. Kaya naman maghihintay pa siya ng dalawang araw para makita ulit si DO. Ang tagal naman. Sa loob loob ni Kai. Humiwalay na siya sa mga kaibigan dahil sa kabila sila at sa kanan naman siya. Sumakay si Kai ng bus at tahimik na umupo sa may likuran. Nahinto sya ng makitang may dalawang taong naghahalikan sa may bandang likuran ng bus. Hindi siya nagulat dahil nakakita siya ng naghahalikan.. Nagulat siya dahil kilala nya ang mga ito. "Luhan? Xiumin?" Agad na napatingin ang dalawa kay Kai. "Luhan? Akala ko ba kayo ni Sehun?"-