Fan ako. (1/1)
Nilunok mo na lahat ng laway na malulunok mo sa lalamunan mo at nasama pati dila mo sa sobrang kaba mo na baka kumanta si Minjun sa harap ni Jongjin na crush mo siya.. *o alam niya na?!! bakit ba kasi hindi ko matandaan kung sinabi ko ba kay Jongjin yun para mapanatag na ko!! mag memory plus na kaya ako?! huhu* at habang nag iisip ka ng malalim nag k-kwentuhan sa harap mo sila Kris at Jongjin ngunit ang ibang EXO member ay kinikilatis ng maigi si Jongjin na naiilang na si Jongjin sa mga pinag gagagawa nila."O kamusta naman paglilibot mo sa mga bansang yun? ano pinaka maganda?" kalmadong tanong ni Kris at napangiti si Jongjin sabay tingin sayo na nag iisip pa din ng malalim. "Yung pinaka maganda kong napuntahan sa Pilipinas.." at ngumiti sayo si Jongjin..nung tumingin sayo ang EXO kung anong reaction mo na nginingitian ka ng sinabi mo sa kanilang "crush" mo ay nag iisip ka pa din ng malalim mukhang binagsakan ng langit at lupa na nakatingin sa kawalan..*Ha! kala mo makukuha mo ang Eun eun ko ng pangiti ngiting yan?!* isip isip ni Sehun .. *Hay nakooo.. ako na kasi gusto ni Eun eun! sa gwapo kong to?!* ngiti ni Chanyeol sa sarili.Nakita mong nakatingin silang lahat sayo at may ngumingisi ngising Chanyeol sa tabi mo at ang nakangiti sayong si Sehun "Ha? ano yun? bakit?" gising mo sa katotohanan. "Sabi ko pinaka maganda kong napuntahan yung Pilipinas." ngiti ulit sayo ni Jongjin. "Oo naman! siyempre! doon ako pinanganak eh!! haha!" "Anong connect nun?" hirit ni Kai at inismidan mo lang siya. Umalis ka na muna doon sa pwesto mo para ligpitin na yung mga juice na naubos nila, habang nasa kusina ka iniisip mo ng maiigi kung nasabi mo ba kay Jongjin kung isa kang EXOTIC dahil ikaw na bilang proud na proud na fan nila halos lahat ng maka kilala mo ay sinasabi mong fan ka ng EXO blah blah blah... "Kung magkataon.. ano gagawin ko?!" sabi mo habang nag co concentrate sa pag huhugas "Tsk. ano ba?! pwede ba makita man kitang hindi nag sasalita mag isa pag ikaw lang?" sabi ni Chen chen sa likod mo at umalis na din agad. "Ano ginawa nun?! tingin ko minsan hinuhuli na lang ako nun eh?! di kaya?..." nang biglang marinig mo ang boses ni Lay galing doon sa kung nasan silang lahat. "Pano nga pala kayo nag kakilala ni Eunkyung?" tanong niya at nag "oo nga" naman ang iba sa intriga kung paano nga naman kayo nag kakilala.. "Doon kasi yun sa may airport.." At bigla ng tumulo ang malaking butil ng pawis mo galing sa bubong. "Bigla na lang siyang pumasok sa---" "Sa Eroplano!!!! sa Airplane! Y'know! saan pa ba! syempre lilipad! kaya sa airplane ako papasok! diba! ahaha! doon katabi ko siya. Ayun ang history ng aming pag kaka kilala!" at biglang ang lakas ng tawa ni Jongjin sa pag tatakip mo na pumasok ka sa CR ng boys. "oo tama. tama doon ko siya UNANG nakita sa airplane." at nakita nilang lahat na may tinatago kayong dalawa dahil yung mukha mong mukhang may pinag dadaanan. "Diba nag huhugas ka Eun? Halika, tulungan na kita" Aya sayo ni Baekhyun papasok sa kusina. *Totoo kayang crush mo yun? e diba fan ko ay este namin ikaw? bakit may iba ka?* tingin sayo ni Baek habang inaayos mo na yung mga baso.Habang sa kabilang banda naman si Minjun balak na sabihin kay Jongjin na crush mo siya at ayun na nga. Natural sinabi niya na. "O? pano mo naman nasabi? ikaw talaga. Hilig mo mang ano ng tao!" "Ano?! ang baet baet kong bata eh. Sa kanila na din ng galing yun nuh!" Halakhak ni Minjun na parang timang. Hindi na lang siya pinansin ni Jongjin.Nanatili lang doon sila Minjun at Jongjin dahil sabi ni Kris doon na lang daw muna sila mag dinner. Habang naglalaro sila ng kung anu anong larong may bola. Basketball, soccer blah blah at siyempre meron ka din. "Sehun!!! laro na tayo ng jackstone!" aya mo kay Sehuna kaso magkasama sila ni Luhan kaya na itsapwera ang aya mo.. at dahil HunHan shipper ka namatay ka sa kilig. "Ako na nga lang maglalaro mag isa. Practice din to para sa world championship in jackstone." at nag laro ka ng mag isa. Hinagis hagis mo ang bola at kumuha at hagis-baba-kuha-hagis-baba-kuha-hagis------------ "Asan yung bola?" tumingin ka sa kanlangitan ngunit walang bolang bumabagsak. Ngunit inintay mo pa din kasi True Love waits maya maya..... Bumalik na ang bola!! kaso di ang bolang inaasahan mo.. ang bola ng basketball na pinag lalaruan nila Kris ang bumagsak sa pagmumukha mo na sakop na sakop talaga. "EUN EUN!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ni Chanyeol at tumakbo naman sila sayo na nag no-nose bleed na. "Eun eun! y-yung ilong mo!!" "DUGO!!!!!!!!!!!!!" pag pa-panic ni Tao na tumatakbo takbo habang nag wu-wushu "B-bakit?! may nag chinese sa inyo nuh?" patawa mo ngunit walang tumawa dahil nag aalala sila sa ilong mong tumatagas ang dugo "Maglilinis pa pala ko." Iba mo ng topic para makalimutan nila yung corny mong joke. Sinabi mong okay ka naman talagang may nag chinese lang sa kanila kaya nag nose bleed ka.. nag bakasakali kang tatawa na sila sa pagkakataong yun ngunit hindi pa din kaya sumuko ka na lang sa chinese topic chu chu. "Masakit ba?" tanong sayo ni Baekhyun na sinamahan ka para gamutin yung dumugo mong ilong. "Hindi. Bola lang naman yung ng basketball eh. Dati nga nung may nag baseball samin sakin tumama pagkahampas eh." kwento mo kay Baekhyun "O?!" sabi ng gulat na gulat na Bacon "Naniwala ka?! siyempre hindi!" Tawa ka ng tawa dahil sa uto utong si Bacon. "Bakit ikaw andito? dapat si Lay diba?" "Ha?" at na alala mong hindi nga pala healer si Lay sa pagiging EXOTIC mo lang yun "Wala... sabi ko bakit ka pa andito.. May LAYbahin pa ko.." at nag malanding tawa ka naman. "Kanina pa yang mga joke mo.." poker face ni Baekhyun. Ikaw naman na kanina pa nabibiguan puso ay sumabog na ang ka corny-han "Oo nga! may labahin pa ko! aishh." *Ganun ba talaga ka corny yun?!! mga seryoso lang kayo di niyo makuha ang tunay na joke!! hmph!* tumayo ka na sa kinauupuan mo at iiwanan na si Baekhyun "Wag ka mag alala kahit corny ka napapatawa mo naman ako eh."........ ikaw naman na bingi hindi nag process agad sa utak mo ang sinabi ni Baekhyun "H-ha? anong sinabi mo?" lingon mo uli sa kaniya. "W-wala! umalis ka na may gagawin ka pa sabi mo eh!" sabi ni Baekhyun na pilit tinatago ang mala putatu niyang pisngi sayo. "O-okay. Kala ko may sinabi ka eh.." pag kaalis mo sa paningin ni Baekhyun nag vertical ka kaagad at bumale balentong sa hagdan at nag circus circus sa door knob dahil.. "NARINIG KO YUN EH!!!!!" *malandi! malandi ka Eunkyung!!! wala siyang ibig sabihin dun! maharot ka!!* habang tinatanggal mo ang tinta ng red ballpen sa pisngi mo nakita mong dumaan si Minjun at naging black ballpen na ang kulay ng pisngi mo. "Hoy!! ikaw!" napatigil siya at lumingon sabay smirk. "O? haha! nasabi ko na nga pala." at tinaas taas pa ang kilay na akala mo eh close kayong mag kaibigan. "Pinipeste mo ko eh. Ano bang malaki kong kasalanan at ganiyan pag trato mo sakin ha?!" nilalakihan mo na si Minjun ng mata kung sakaling masisindak mo siya ngunit dinakot niya lang ang mukha mo at inilayo "Ano ba! ayoko ngang nakikita yang mukha mo ilalapit mo pa! .. ANONG KASALANAN MO?! HINDI MO ALAM?! HA! HINDI MO ALAM?" napa isip si Minjun dahil kahit siya hindi niya alam. "ang kasalanan mo sakin... aha! akala mo makakalimutan ko? pumunta ka sa teritoryo ko! at hindi ko yun makakalimutan!" pilit mong inalis ang malaki niyang kamay sa pagmumukha mo dahil hindi ka na makahinga. "Bakit?! nabayaran ko naman yun sa pag aalaga kay Chris ah?" "Kahit na!!!" "Hindi!! ayoko yung dahilan mo! hindi ka tanggap tanggap sa korte yan!" reklamo mo sa kaniya "Eee.. basta! may nararamdaman ako na hindi ka dapat ituring ng maayos!" at dahil yun naman talaga ang totoo. Hindi alam ni Minjun pero gustong gusto ka niyang asarin. Hindi dahil sa galit or inis siya sayo.. sa katanuyan.. hindi niya din alam. "Alam mo sakin may bumubulong eh! sinasabi na sira ka na!" nung aalis ka na humirit pa si Minjun "Sinasabi ko na nga ba eh.. may tililing ka na! psycho! hindi ko akalain na nag t-trabaho ka sa kaibigan ko!" at dahil naiinis ka na talaga at gusto mo ng sumabog katulad ng ibang bulkang sumabog "KUMAIN KA NG BARBED WIRE!!" at umalis ka na ng tuluyan dahil baka mag ka sakalan pa kayong dalawa. "Sa susunod talaga sasakalin ko yung lalaking yun hanggang sa mangitim siya!!" sabe mo at napaupo ka na lang doon sa gilid ng fountain at tinitignan ang mga isdang lumilipad doon. "Bakit? ano ba ginawa niya?" at ikaw nagulat ka naman *yung isda nag sasalita?!* "Hay nako mr.fishy! sinabi ba naman sa bisita natin ngayon na crush ko daw yun! mamaya maniwala yung tao eh!" "Bakit? hindi ba totoo?" tanong ulit sayo *Aba gusto ata makipag chikihan nitong isda na to ah!* "hindi ah... pero u-know ang EX--- Teka! sino ba niloloko kong nag sasalita tong isda!" paglingon mo sa likod andun si Chanyeol na tuwang tuwa sa mga sagot mo sa kaniya. At dahil nga tuwang tuwa siya nayakap ka niya ng mahigpit at nakalimutang higante siya para sayo. "Eun eun! sabi ko na nga ba eh. Hindi mo ko ipagpapalit." at ikaw na mauuna pa atang mamatay kesa kay Minjun na pinag babalakan mo eh humingi na ng tulong sa mga isdang kausap mo kanina. "b-bitaw na Yeollie yung.. balikat ko durog na." at bumitaw si Chanyeol na nag kakamot pa ng ulo dahil hindi daw head&shoulders ang nagamit niya pero ang shoulder mo ay pipi na. "ano na naman ba yang iniisip mo Yeollie at balak mo pa atang maging si Hulk ngayon." habang hinihimas ang braso at balikat at paa at tuhod mo "Eun eun naman eh.... Sige na nga! kahit alam ko na." ikaw naman sa kabilang banda na parang ngayon lang sinilang ang peg at walang ka alam alam sa mga sinasabi ni Chanyeolo "Ahaha! oo nga?"Naglakad lakad muna kayo ni Chanyeol at pumunta sa rooftop na nasa pinaka mataas.. siyempre rooftop nga eh. Kaso ang hagdanan papunta doon ay nasa labas kaya kung aakyat ka makikita mo lahat lahat pati ang kaluluwa mong nanginginig kung takot ka sa matataas na lugar. At ikaw na kahit gustong gusto at mahal na mahal ang roller coaster ay takot sa matataas na ganun kasi ewan mo sa sarili mo. "Yeollie, ikaw na muna umakyat susunod ako." "Ladies first!" at sumaludo pa sayo si Chanyeol "Chanyeol, anong year na ngayon? naiwan ka ba sa sinaunang panahon? sa hagdanan lalaki ang nauuna! ano ka ba!" kahit anong pilit sayo ni Chanyeol na ikaw mauna ay walang ngyari sayo.. dahil ikaw pa din pinauna niya. Dahil mansyon nga ang bahay nila talagang mataas ang kahahantungan ninyo... napatigil ka na sa pag akyat sapagkat na tatakot ka na dahil lulang lula ka na pati kaluluwa ng puso mo mahuhulog na. "Uhmmm Eun eun? bakit?" "Ang taas na Yeollie!!" pikit mo dahil nasa baba nga si Chanyeol kaya hindi mo siya pwedeng tignan dahil mas lalo kang malulula. "Eun, hindi ka pa nga nakaka isang hakbang? nakakapit ka palang." Dumilat ka at nakita mo ang mga langgam malaki pa. "Ahaha oo nga." at umakyat na talaga kayo.. at halos abutin kayo ng ilang oras kasi lagi kang tumitigil dahil natatakot ka nga sabi mo. "WHOOOOOOO!! mag da-darna na ko dito mamaya eh!!" sabe mo habang ilang akyat na lang makakapunta ka na sa taas.. sa heaven dahil feeling mo mahuhulog ka talaga. Mga ilang minuto pa ulit mga oras oras pa.. sa wakas nakarating na din kayo sa rooftop ni Chanyeol... tatalon ka na sana dahil nagtagumpay ka na "Wait usog lang ako mamaya pagkatalon ko eh naging si Superman ako" umusog ka muna mula sa gilid at nag tatatalon dahil buhay ka pa. Nung andoon ka na nakita mo LAHAT!!! LAHAT LAHAT!! ng mga bahay! gusali pati mga puno at mga bundok bundukan. "Ang ganda!! Yeollie! ang ganda!!" tumakbo agad sa tabi mo si Chanyeol at pinasok ang kamay sa bulsa ng pantalon niya habang tinitignan ang magandang tanawin. "oo.. lalo na pag gabi!" pumikit si Chanyeol para damhin ang sariwang hangin na dumadaan doon. Ikaw napa lunok ka na lang dahil kung araw nga na kitang kita mo ang dadaanan at tatapakan e halos mag kanda ihi ka na e paano pa kaya pag gabi na hindi mo halos makita... *Wag na lang.*Habang nakahiga si Chanyeol sa duyan at ikaw naman tinitignan ng maigi halos lahat ng bulaklak doon.. Lahat sila magaganda at malulusog. Sobrang ganda na hindi mo maalis ang tingin kahit sa isa pa lang. Sabi ni Chanyeol si Kris daw nag aalaga sa mga yun *Kaya pala eh.. malulusog kayo. Yung gwapong yun ba naman mag alaga sa inyo eh may i rereklamo pa ba?! haha*"Yung kantang kinanta mo sa birthday ni Luhan hyung.. ang ganda niya Eun." sabi ni Chanyeol habang pinag mamasdan kang tinitignan ang mga alagang bulaklak ni Kris. "Ah... salamat." "Eun,tinranslate yun sakin sa Korean ni Baek." Napalingon ka kaagad kay Chanyeol kahit hindi pa siya tapos "Marunong mag chinese si Baek? I mean as in?" Gulat mo dahil bagong kaalaman yun "Hindi.. nakita niya daw yung ntbk. mo. Ano... uhmmm inspirasyon mo sa kantang yun?" at ikaw dahil hindi nga dapat alam nilang isa kang fan na sobrang ini idolo sila halos singhutin na yung buong bulaklak sa sobrang bigat ng tanong ni Chanyeol. "Yun? kasi.." bago ka pa makapag dahilan nag salita na si Chanyeolo "Gusto sana naming gawan mo kami ng kanta.. Hindi kasi sayo nasabi ni Kai kaya ako na nag sabi. Sana gawan mo kami ng kanta Eun." *Si-sila? nag papagawa ng kanta?! TT.TT tears of joy! umaapaw! kaso kung sa pagalingan ng pag gawa mas maganda kaming tambal ni Chun!!!!*Matapos ang ilang mga kwentuhan ninyo ni Chanyeol tungkol sa kanta at nasabi mo din yung tungkol kay Chun may brilliant idea daw si Chanyeol ngunit hindi niya sayo sinabi. Tinawagan ka ni Suho para daw tulungan si D.O mag luto para sa dinner ninyo at umoo ka naman na baba ka na agad agad... AGAD AGAD. "Naiiyak na ako. Papagalitan ako ni Suho nito eh!" sabe mo habang nangangamot ng ulo kung pano bababa. "Eun.. halika na." tumingin ka kay Chanyeol at nasa kabilang dulo siya. "Ha? hindi ba dito tayo bababa?" "E mukhang takot na takot ka naman eh. Dito na! Mababasa ka nga lang dito." pagkatingin mo may malaking malaking swimming pool. *Ngayon ko lang to nakita ah!! ang laki talaga ng bahay na to.* at tumingin ka doon sa kinauupuan ni Chanyeol na basang basa na agad akala mo lumusong na sa tubig... at nang iyong makita ito ang tumambad(Ganyan ampeg)"Ayy... Yeollie.. Magpapakamatay na lang pala ako." Sabi mo at aalis na sana doon malapit kay Chanyeolo "Ano ka ba! eun eun! ang tapang tapang mo nga sa roller coaster eh. Bakit ganiyan ka ngayon?" At napa isip ka *oo nga pala sino bang parang babae tumili nun kasama si Xiumin?! diba itong lalaking to?! bakit parang ang tapang nito ngayon?!* "May iba't iba kasi tayong kinatatakutan Eun!" sagot ni Chanyeolo na parang nababasa ang isipan mo. "Hindi.. hindi.. promise mag da-darna na lang ako..""AGHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" pagkatapos ng mga sigaw mong yan nawalan ka ng ngala ngala."Chanyeol!!! ang galing!!!" Proud na proud ka sa sarili mo ng umalis sa swimming pool at ganun din si Chanyeol na halos lumipad din ang kaluluwa at laman lamanan nung nag padulas doon. Habang kayo ay basang basa naloloka na si Suho kung nasaan ka na ba dahil hindi niya talaga kayang tulungan sa pag luluto si D.O eomma. Nang makita ka niya ay agad niyang inakbayan ka kahit basang basa ka "Buti naman andito ka na! bakit ba ang tagal mo ha?! sige na tulungan mo na si D.O" at umiskapo na siya."Hayyy buti naka alis na ko dun.. nakakatakot mag hiwa.. T.T" Sabi ni Suho habang naglalakad galing kusina. "Suho, bakit basa ka?" tanong ni Kris sa kaniya. "Aa.. ito wala.. si Eun eun kasi nag swimming ata kasama si Chanyeol kaya ito." sabay sulpot naman ni Tao sa likod ni Kris "Sa swimming pool na lang tayo! I mean doon na lang tayo mag stay at kumaen!! dalina!!!!!" At nag bbuing-bbuing si Tao kay Kris na pinaka mahina sa tuwing may mag a-aegyo sa kaniya. "Pero.. walang damit sila Minjun." ngunit hindi nagpatalo si Tao at patuloy pa din sa pag aegyo hanggang sa napapayag niya na si Kris. Kinausap ni Kris si Minjun na ganun nga mag s-swimming blah blah kaya tinawagan ni Minjun yung katulong nila sa bahay at pinadala ang mga damit nila ni Jongjin.Nag simula na ang parteyy parteey ninyo sa pool andoon din ang girlfriend ni Luhan na si Qian Ya. At dahil doon na gambala ka nanaman ni Sehun. Pero sinabi mo sa kaniya na wag na lang yun pansinin at samahan na lang kayo sa swimming pool tumumbling tumbling kaya sinunod ka ni Sehun. Naglaro laro kayo sa swimming pool at ikaw na hindi marunong lumangoy tinuruan nila Lay kaya kanina ka naman naka survive sa pag slide niyo ni Chanyeol kasi naka abang na si Chanyeol sa baba.. at ayun ulit siya akyat baba doon para mag padulas. Pero ikaw hindi na muna nag try. Kaya umupo ka na lang sa gilid at pinanuod silang mag pustahan kung sino mas malakas ang maihahampas sa tubig. "Itong mga to sa roller coaster akala mo mamamatay na tapos ayan diyaan! akala mo sisiw na sisiw!" Nilaro mo na lang ang tubig gamit ang paa mo at pumapalakpak tuwing may mag s-slide sa kanila. Samantala si Qian Ya na bobored na dahil andoon din si Luhan sa slide ....inaya siya ni Luhan kaso ayaw niya kaya nag paiwan na lang siya. Nilapitan niya na lang si Minjun na kumakaen sa tabi at balak ka nanamang asarin. "Hi.. I'm Qian Ya." Inabot ni Qian Ya yung kamay niya kay Minjun kaso tinignan lang siya ni Minjun, nag bow lang si Minjun at umalis. *Ito nanaman yung feeling na to. Kay Eun bwisitin doon sa babaeng yung lumayo...* napa iling iling na lang si Minjun at naupo ulit sa isang tabi at kumaen habang pinag iisipan niya pa kung ano gagawin sayo. "Aisshhhh ano ba yung lalaking yun." ang bumalik sa upuan na si Qian Ya at tinext na lang ang BF niya na hindi si Luhan."Alam ko na gagawin ko!!!" Tumayo agad si Minjun at papunta na sayo. Ikaw na walang kamalay malay na nakaupo pa din ay may naramdamang bigat sabay... "SPLASH!!" tinulak ka ni Minjun sa pool. "Ano ba!! may sapak ka talaga eh nuh!!!" Tawa siya ng tawa at inabot bigla ang kamay.. Ikaw naman nagulat sa ginawa niya na parang tutulungan ka. "Sige na. Kunin mo na! tutulungan ka na nga eh.." *Sige kunin mo!! ahaha!* Kaso alam mo ang binabalak ni Minjun na pag nasa kaniya na ang bigat mo bigla ka niyang bibitawan kaya .. hinawakan mo pa din yung kamay niya... at nung nasa kaniya na ang bigat mo. Tama ka nga binitawan ka niya kaso hinawakan mo siyang mabuti para kayong dalawa ang mahulog. Tuwang tuwa ka naman dahil naka ganti ka kay Minjun "Ahaha!! akala mo ah!!! uurungan kitang palaka ka!!" Nainis lang si Minjun dahil naisahan mo siya pero tumawa siya at hinampas niya ng kamay niya yung tubig at umalis. "Baliw!" ang pamamaalam niya sayo.. At pumunta din siya kung nasaan sina Chanyeol. Ang andoon naman sa may mga lamesa ay sina Kris, Chen, Xiumin, Qian Ya, Jongjin, si Lay na pabalik pa lang galing sa slide at si Kai. Pumunta ka na din dun para kumain ng niluto ninyo ni D.O eomma. Nakatabi mo si Jongjin at hindi mo mahahalatang tinitignan kayo ng nag sa-soundtrip na si Kai."Eunkyung!! pasensya kanina. Hindi ko naman intensyon sabihin yung tungkol doon sa pagpasok mo.." pero habang sinasabi niya yun tumatawa siya kaya na alala mo lahat yun at tumawa ka na din "Okay lang yun..." Si Kai sa kabilang banda pinatay yung ipod niya kahit nakalagay pa din yung earphone niya para kunyari di niya kayo naririnig pero hindi naman talaga kasi medyo malayo naman kayo. "Alam mo Jin wag ka maniniwala sa kahit anong sasabihin niyang kaibigan mo tungkol sakin ah!" "Na? mabaet ka?" tanong niya "Hindi.. totoo yun. Pero imposible niyang sabihin yun!" kaya tumawa ulit kayong dalawa. Si Kai naman palapit ng palapit sa inyo ngunit sumisimple lang. "Oo alam ko yun." sabi sayo ni Jongjin. "Oo!! hindi talaga! tama ka diyan!" Kaya doon liniwanag mo na ang issue na binuo ni Minjun. Natapos na ang lahat nag ligpit na muna kayo at tumulong sila Jongjin kahit ang ginawa nila Minjun, Chanyeol ay mag laro pa din =.= Nang matapos na kayong mag ligpit hinatid na ni Luhan si Qian Ya sa labas kasi ayaw ni Qian Ya mag pahatid hanggang bahay. Sila Minjun naman sasakay na sa kani kanilang kotse pero bago yun kinausap mo muna si Jongjin tungkol sa sinabe mong EXOTIC ka na i secret lang *Sure kasi akong sinabi ko yun eh. Kaya kailangan ko na tong agapan bago niya pa masabi.* "Jin!! may sasabihin ako sayo." Sinabi mo sa kaniyang secret lang kaya lumayo muna kayo sa marami pero nakita kayo nila Sehun kaya si Sehun nag dududa kung gusto mo nga ba talaga si Jongjin at si Chanyeol naman feeling niya na na traydor siya. Samantalang may isa namang pumasok na lang sa loob ng bahay."Ano ba yung sasabihin mo Eunkyung? Mukhang mahalaga yan ah?" Seryosong tanong ni Jongjin at tumango ka naman. "Ganito kasi yun Jin.. Diba sinabi ko sayong EXOTIC ako. Fan ako ng EXO. Sana wag mo sasabihin sa kanila yun. Kasi diba u-know mapapa alis ako dito." Ikaw naman na akala mo magiging maayos ang pag uusap ninyo ngunit si Jongjin ay nakatulala lang sayo. "Jongjin!! pakiusap naman oh!" at umiling iling si Jongjin na nagpakaba sayong hindi siya pumapayag sa sinabi mo. "Hindi mo sakin yan nasabi Eunkyung. Buong akala ko hindi mo kilala sila Kris bilang isang kpop idol." At doon nagunaw ang mundo mo at nag kanda lasog lasog kung bakit mo pa sinabi yun. *Sabi ko na nga ba kailangan ko ng memory plus TT.TT someone help me!*