Now or Never (1/1)

Now or Never il_i_chil 97800K 2023-11-02

Now or Never
Copyright 2015by paramerror................................................................................................Woohoo! Yes! Ang saya saya ko ngayon, sobra! Napayagan lang naman ako nina Mommy na pumunta ng Japan gaya ng gusto ko. Pero, teka! Hindi ako magjajapayuki, ha? Wala namang japayuking lalaki, hindi ba? A kahit meron man talaga hindi naman ako pupunta ng Japan para dun. Pupunta ako dun dahil sa babae pero hindi naman ako mambababae. Gusto ko lang namang makita ang isang babae. Sa totoo lang, hindi lang siya basta babae. Kilala siyang tao. Sino nga ba naman ang hindi makakakilala kay Jam? Yes, Jam as in capital J-A-M. Yung Japanese-American na nanalo sa American Idol, sikat na singer-rapper sa buong mundo, at award winning star. Isa rin siyang sobrang charitable na tao. Sobrang ganda niya rin. Halos lahat ng hahangaan sa isang babae ay nasa kanya na kaya nga kahit nasa early 20's na siya habang ako'y fifteen pa lang ay gustong gusto ko siya. Sabi nga nina Mommy at Daddy nag-aala-BAGITO daw ako. Yaks. Hindi kaya. Sabi naman nina Ate at ng best friend ko napa-praning na raw ako pero wala akong pakialam. Pero tingnan n'yo, pinayagan nila ako so ibig sabihin hindi naman ako praning. Ipapasama pa nga nila sa akin yung best friend ko. May V.I.P ticket pa nga ako sa fan meeting na 'to pati best friend ko meron. Kaya ako pupunta ng Japan para sa rare fan meeting na 'to with Jam. Sa wakas! Maikakanta ko na sa kanya yung kinompose kong English na kanta. V.I.P kami eh. Lima lang ang pinagbilhan ng ticket para mameet s'ya upclose. Dalawa dun sa amin ng bespren ko. Bukas na ang flight namin papuntang

Japan at malapit ko na rin siyang makita. Excited na 'ko! :D :D :D =boogsshh!= "Aray ko! Ano ba?" sigaw ko sa best friend ko nang batuhin niya ako ng isang magazine. Hinimas himas ko yung ulo ko. "Eh sa mukha ka nang praning dyan!" sigaw niya sa akin. Ang lakas lagi ng boses niya. Siya nga sa aming dalawa ang totoong praning. "Nakangiti habang yakap-yakap ang isang magazine," paglalarawan niya sa ginagawa ko. Yakap ko kasi yung isang special issue ng Japanese mag na si Jam lahat ang topic. "Tinatago mo pa yang mag na 'yan? Hindi mo naman maintindihan ang nakasulat... @_@" sabi pa niya. Ang kontrabida niya rin ha! Eh kung batuhin ko rin siya ng mag na yun. "Inggit ka lang naman. Eto oh," inabot ko sa kanya yung mag, "yakapin mo na rin... :)" "Yoko nga! Hindi ko naman bet 'yang Jam mo. Solid K3U at KZ akira... :P" siya. "K3U mong gurang :P" sabi ko sa kanya. Nasa late 20's na kasi yung tatlong yun. "Saka yang Kamikaze mong 'yan? Hindi mo naman maintindihan paborito mo." ako. "Naiintindihan ko kaya!" pagtatanggol niya sa sarili. "Weeh? Kailan ka naman natuto ng Thai at Korean? Hambog ka rin." ako. "Sinisearch ko ang meaning sa deungdutjai-dot-com saka sa kpoplyrics-dot-com o kaya sa tuneuplyrics-dot-com blah blah blah..." Nag-enumerate pa siya ng mga websites. Baliw talaga siya. Ie-export ko na siya sa Thailand at Korea. Paghahatiin ko yung katawan niya. "...saka at least, hindi ko pinapangarap maging akin ang artists nila," daldal niya pa 'tapos tinuro ako, "Eh ikaw? Kulang na lang mag-ala-PYGMALION ka at gawing mong ala-GALATEA ang posters niya. Praning!" "Praning na kung praning. Inggit ka lang kasi ako, I'm going to be closer to her pero ikaw, may V.I.P ticket nga pero hanggang shakehands lang. Hindi ka naman nun maaalala," sagot ko naman sa kanya talking about K3U. "Asan ka ngayon? :P" sabi ko pa sa kanya. Mukha namang naasar siya. Dito talaga kami nagpipikunan sa mga paborito namin. Kahit kasi iba ang nationality nila suportado namin sila. Naaappreciate kasi namin ang talent nila at ang powers ng music. "Watever! Mas talented parin ang K3U! T and K-pop ang da best! (.~~)" siya. "But K-Pop is using the influence of American music." ako. "Ah basta K-Pop!" siya. "J-pop, American Pop!" ako. "Thai-pop, K-pop!" siya uli. Ayaw patalo. Nagkumparahan pa kaming dalawa. Mga SNSD, Candy Mafia, WAii, EXO, V.R.P, 3.2.1, 2PM, SuJu, 4Minute, FFK, 2NE1, K-Otic at kung anupa sa kanya. Hindi naman ako nagpatalo. Tinadtaran ko naman siya ng Black-Eyed Peas, Morning Masumi, Jason Derullo, J Soul Bro's, Miley Cyrus, A.A.A[kumanta ng ost ng One Piece xD] Chris Brown, Dream Girls, Justin Bieber, Nicki Minaj at nageenumerate pa siya ng Thai at Korean at ako naman ay Japanese at American. "DANIEL PADILLA!" Natigilan kami ni Bes nang sumigaw si Ate Jhazel Micah, pinsan ko na pinsan din ni Bes. Pinsan niya si Bes sa father-side 'tapos ako pinsan niya sa mother side. "Asa ka, Ate. Hindi kayo bagay," sabi ko. "Nga naman, teh. Mas bet pa nga kung sina Third at Marc(kapangalan ko pero mas gwapo ako sa kanya) ng Kamikaze. Alam mo, teh, pumili ka na lang sa Exo... Mas gwapo pa nga sa kanya si Amber ng f(x)," bespren. Pinandilatan naman kami ni Ate Jhazel Micah pero ginawa namin yung ginawa ni Vice dati sa kanta ni DP. XD "Na sa'yo na ang lahat..." kumanta kanta pa kami tapos lalong naasar si Ate. Binato niya kami ng hawak niya. "Kung Daniel Radcliffe or Matsunaga na lang kaya..." ako. "Hindi! Dapat si Daniel O'Niel ng Bangkok Adrenaline," si Bespren. "Mas astig kung si Daniel Goleman!" sabi ko tapos nag-apir kami ni bes. >>> hindi po ako anti-Daniel. peace! "Emotional Intelligence!" sabi pa namin tapos iniripan kami ni Ate Jhazel Micah. Umalis na siya. Hahaha. Sa totoo lang hindi naman kami anti-Daniel. Trip lang namin asarin si Ate. Sobra kasing loyal kay Daniel eh may Kathryn na yun. Buti si Jam ko single at hindi nagpaligaw kahit sa isa sa No Direction. Hinihintay kasi ako. L-O-L >>> love on line nina vic sotto at paula taylor? Laugh out Loud! At dahil kay Ate ay natigil ang enumeration namin ng totoong praning pero ok lang. Sa pang-aasar kasi sa kanya kami nag-eenjoy. Ewan ko rin kasi sa bespren ko. Ayaw na ayaw sa paghanga ko kay Jam pero nang sinabi ng parents namin sasamahan niya ako sa Japan, aba! Ang listo! Hay, basta ako, I'm ecstatic to meet and greet Jam, the girl of my dreams... I'm so gay!---"THE LAND OF THE RISING SUN"...TEKA, GUYS! Sinabi na ba ng gwapong bida na nasa Japan na sila ngayon? O! Bawal komontra. Totoo naman, ah! Makikita--este mababasa nyo na lang ang magiging reaksyon ni Jam 'pag nagmeet na kami at malalaman n'yong totoong gwapo ako. Psh. Binibili nga ang pictures ko sa school namin. Nasa airport pa kami ngayon at hinihintay ko pang matapos mag-CR yung totoong praning. Ang tagal lang ha! Hindi natulad sakin. Dinaig pa ang totoong dalaga kumilos, binatilyo naman. Bumalik na rin siya pero pansin ko lang, may hawak siyang papel. "O! Para saan naman iyan?" taas-boses na tanong ko sa kanya. "Ah itey?" siya. "Ay hindi! Yung riles! Para saan ba IYANG riles? Daanan ba IYAN ng tren o daanan ng tren at ng tangang tao?" nag-ala Mr. Assimo at Vice Ganda ako. "Syempre. Kaya nga 'iyan'. Parang hindi tayo nag-aral ng panghalip," sabi ko pa. "Sige lang. Pag-aralan mo lang ang Thai at Korean nang tuluyan ka nang mabobo sa Filipino. Tss..." ako. "Palibhasa Amerkana yang Jam mo. Ehdi ikaw na. Ehdi siya na..." sabi pa niya sabay @.@ Kung 'di ko lang s'ya mahal dinukot ko na mga mata n'ya. Teka, mahal bilang bespren. Wala ako sa unstable state of mind para sa mga bagay na 'yan. Yahks yan! "Tama na nga 'yan. Para saan ba kasi yan? Poster ba 'yan ni Jam? Akin na nga 'yan," sabi ko habang inaagaw 'yon sa kanya. "Jam nanaman. Kalurkey!" sabi naman niya at pilit na nilalayo iyon sa akin. "Syempre! S'ya kaya ang leading lady ko sa kwentong 'to kaya pwede ba, tumigil ka sa kaeepal. Agaw eksena ka eh. Ano nga talaga kasi 'yan?" tanong ko nanaman. "Poster ba 'yan?" "Hindi nga eh! Ang kulit din ng lahi mo eh, no?" sigaw niya. "Mapa s'ya. Mapa!" "Pareho tayo ng lahi. Pinoy ka rin kaya makulit ka rin," sabi ko 'tapos nakuha ko na sa kanya yung mapa. Grabe nakakalula naman 'to. "Saka anong 'siya'? Kelan pa naging tao ang mapa? Hindi ka ba talaga tinuruan ng panghalip? Tss..." ako.Sobrang sama nung tingin niya sa akin. Ang cute niya! xD 'Stop it, Marc!' sigaw ng isip ko. 'Hindi kayo talo, ok?' Umiling na lang ako 'tapos tiningnan ko yung mapa. Mapa ito ng Tokyo. Baliw talaga bespren ko. "Aanhin pa natin 'to? Alam ko na rin kung saan ang papunta sa tutuluyan natin saka sa site. May pupuntahan ka pa ba maliban sa pagsama sa'kin dito?" ako. "Alam mo kailangan ko itong mapang 'to..." sabi niya sabay turo sa hawak kong mapa ng Tokyo. Para talagang hindi nag-aral ng panghalip. >>> #panghalip ...xD "...kasi hindi naman ako sasama rito para lang samahan ka sa fan meeting kembular na 'yan! .~~" sigaw niya. Ambading magsalita pero ang sama nanaman ng tingin sa'kin. Bakit kaya ganito siya lately? Para namang lagi akong may kasalanan sa kanya. Yae na nga lang. May katok lang talaga yata siya. "Gagamitin ko ang mapang ito para mahanap ko ang lugar kung saan pwede kong bilhin ang gusto ko at makapagpamasyal ako...""P-pero--" ako"At habang ginagawa ko yun," hindi niya ako pinagpatuloy at tinuro pa niya ako. Nag-aunder ang baliw, "...kailangan mo akong samahan. Tandaan mo 'yan," maawtoridad niyang sabi at naglakad na.Nanatili lang na nakaawang ang bibig ko.Kinuha ko na yung maleta ko pero katabi parin nito ang kanya.Wow ha! Ginawa pa akong alalay ng isang 'yon. Ano pa ngang magagawa ko kundi hilahin yung dalawang maleta. Tss. Hila-hila 'tong dalawang maleta habang may gitara pa sa likod ko.Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung bakit napagtitiisan ko pa ang baliw na ito..Sumakay kami ng train, yung parang MRT lang sa atin.Phew! Napagod ako, ha! Isinandal ko yung ulo ko sa saldalan 'tapos napaidlip ako....May biglang kumalabit sa akin mula sa right side ko kaya minulat ko ang mga mata ko't paglingon ko, SI JAM ANG NAKITA KO.O.O whoa!Napangiti ako sa kanya. Sasabihin ko na sana yung pangalan niya nang bigla niya itulak sa noo dahilan para mapahiga ako sa left side. Mabuti na lang walang tao.Err. Bakit ang brutal niya?Napaupo na ako habang hinihimas ang noo ko."Napapraning ka na naman!"Nakakapag-Filipino na si Jam? Paano nangyari yon? At isa pa parang iba na ang boses niya. Parang pang--Paglingon ko, iba na ang nakita ko.Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin. Nagsisink-in parin sa utak ko ang katotohanang siya pala ang nginitian ko--- ang bestfriend kong baliw."Tara, selfie tayo," sabi niya tapos ngumiti dun sa taas. May hawak pala siyang monopod kung saan nakakabit ang iphone niya.(click)Napatingin naman ako dun sa phone at biglang nagclick ulit siya.Tss. Nakita kong nagregister ang mukha ko dun. Hindi pa naman ako prepared!"Akin na nga 'yan!" sabi ko sa kanya sabay akmang aagawin iyon sa kanya pero inilayo sa'kin. Patuloy ko lang iyong inaagaw sa kanya.Nahawakan ko yung kamay niya pero binitiwan ko agad. Para kasing ano--- ano bang tawag do'n?Parang may kuryente. Hindi kasi ako komportable saka para akong biglang nagpalpitate.Tss. Tama na nga 'to. Ang bading pag-usapan!ako (.~~) _ _ _ _ _ (^^.)/ siya"Maki-join ka na lang kasi..." sabi niya sa'kin at ginawa ko naman. Tinawag tuloy kaming "AI JIN" ng isang bata.Nakarating na rin kami sa tapat ng guest house na uuwian namin--- sa Khun Luisa Guest House pero bigla siyang nawala. Saan nanaman kaya nagsususuot ang isang 'yon?Bumalik na rin siya pero ang baliw ha! Magsi-six na pero naisipan pang mag ice cream.Ngumanga ako para subuan niya ako pero ipinasak lang niya 'yong hawak n'yang papel sa bibig ko.Sinimulan niya nang kainin yung dala niyang ice cream na isa lang! Ang selfish lang ha!Inalis ko na yung papel."Huy," tawag ko sa kanya, "Pahingi!" pero inilayo na niya yung ice cream.Kumain siya 'tapos may naiwan sa ilong niya. Tinawanan ko siya sabay punas sa ilong niya.Kinuha ko ang ice cream sa kamay niya 'tapos kumain mula doon. Wala rin namang kaso 'yon.Tinawanan niya rin ako at tinuro pa ang mukha ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Sinubo ko siya ng ice cream pero natunaw iyon sa kamay ko pero ayos lang. ^_^Pumasok na rin kami nang salubungin kami ng may ari ng guest house. Pinasunod niya kami sa kanya.Nasa fourth floor pa raw ang room na nakareserve para sa amin.Nice--- nice to me! Bibitbitin ko ang mga maletang 'to at may gitara pa sa likod ko. Para na ako nitong kargador!(akyat)(hiking)(wall climbing?)Sa wakas! Nakaabot na rin kami sa palapag na 'to.Binitiwan ko yung mga maleta tapos napahingal ako. Nakakapagod kaya!(breathe in)(breathe out)(breathe in ulit)"Uy, Marc! Tara na!" sabi ng baliw.Tss. Kung isuknong ko kaya 'tong dalawang maleta sa ulo niya.(breathe out)@.@ 'tapos sumunod na ako."This is FC2, your room," sabi nung dalaga at binuksan ang kwarto.Napatingin kami ng baliw sa loob 'tapos nagkatinginan kami.8-O >>ako8-O >>yung baliwMay dalawang kutson na magkatabi sa sahig. Walang kama kasi Japanese style yata.Ibig sabihin sa isang kwarto kami ng baliw na 'to. Baka reypin ako nito!Bigla naman akong nailang. Ano ba 'to?Tumingin na lang ako sa may ari, "Miss...""Luisa," siya."Miss Luisa, didn't my mother tell you that I and my bestfriend don't have the same..." Napatingin ako sa bespren ko."GENDER!" sigaw niya. "I and Marc are girl and boy," dagdag pa niya."Mrs. Thanat didn't tell me so I thought you were both boys..." sagot ni Miss Luisa [^_^] "...and reserved just the FC2 room. I'm sorry I'd just gi---""No," hindi ko na siya pinagpatuloy, "I mean, thank you but it's ok with us. We don't care..."Tumango lang si Miss tapos binigay na niya sa amin ang susi.Napatingin uli ako sa kanya at ganun din sya. Gayunpaman, pumasok na kami.Inayos na lang namin ang dalawang higaan. Pinaghiwalay namin. Sa'kin ang nasa gilid at kanya ang nasa gitna..NakaIndian sit ako habang naggigitara. Tinetesting ko lang kung kabisado ko na ang kakantahin ko kay Jam.May sarili namang mundo ang bespren ko. May nilabas siyang isang box ng MiraPRO yong choco drink powder 'tapos nilagay niya sa sahig na parang linya."Hoy," tawag niya sa akin, "nakita mo tong linyang to? Never kang ko-cross dito or else..." tinuro niya ang thumb niya sa leeg niya at gumuhit ng linya gamin yon, "patay ka sa akin."Psh. Babae ba talaga si Gom? Parang hindi eh. Para kasing hindi.Gom ang palayaw niya. Georginette Opaline Melantha ang pangalan niya.Ang haba, no? Mabuti sa akin Marc Thanat. Maikli lang.Hmmpt. Hinayaan ko na lang siya at nappatuloy sa paggitara.='.'=(tugtog)(tugtog)(tugtog)(click)Napatingin ako kay Gom, ang bespren kong baliw. She's just back into her selfie-sessions.Then she stole a shot of my face. Tss. She was smiling."Hoy i-delete mo nga yan! Baka ang pangit ko dyan!" sigaw ko at lumapit sa kanya."O-oy! You're crossing the line!" sigaw niya naman sabay turo sa ginawa niyang "linya".Napa-tsk naman ako. Bumalik na ako sa dati."I-delete mo na yon ha? Baka ang pangit ko na doon," hirit ko uli."Ayoko nga saka don't worry. Lagi ka namang gwapo," sagot niya. Mabuti na lang hindi si Gom nakatingin sa akin nang sabihin niya iyon.Bigla kasi akong kinabahan na parang ewan nang sabihin niya 'yon. Napangiti pa ako.Psh. Nababaliw na yata ako.Para makalimutan ang sinabi ni Gom ay nilabas ko na lang ang picture ni Jam.My Jam!Makikita ko na siya bukas!Kiniss ko ang picture ni Jam 'tapos napatingin ako kay Gom. Nakangiwi siya."Ewww. Kadirdir ka Marc!" sabi niya mockingly. "I'm sure kapag nalaman ni Jam na kinikiss mo ang picture niya gabi-gabi, masusuka s'ya. :P"Aba't benelatan pa ako! Kinuha ko yung unan ko at binato siya. Nagbatuhan kami."Gusto mo rin lang naman yata ng isa galing sa'kin," sabi ko sabay bato sa kanya ng unan.Hindi naman siya rumeak kahit natamaan na siya. Nakatingin lang siya sa akin.Saka ko lang napagtanto ang sinabi ko.Sinabi ko ba talaga 'yon?...KINAUMAGAHAN....Whew! Ito na ang araw na pinakahinihintay ko--- ang araw kung kailan ko makikita si Jam!Excited na rin ako lalo na' makakausap ko pa siya at makakantahan ko na siya ng kinompose kong kanta para sa kanya.At dahil siya si Jam, na pinakahinahangaan ko ay nagpagwapo naman ako kahit dati na akong gwapo. ='.'=Pinauna ko na si Gom na magbihis sa banyo at pagkatapos niya ay ako naman.Sinuot ko ang isang shiny black button-up suit at shiny black pants.Pinapikit ko muna siya bago ako lumabas at nang alisin niya ang takip sa mga mata niya ay nagpose ako ng kung anu-ano. Mga pose na ala-F4. Nag-ala-Daniel Padilla ni Ate Micah pa nga ako. Haha. Kumindat pa ako at nagflying kiss kay Gom pero sa kamalasmalasan wala man lang siyang reaksyon. Hindi man lang kinilig.Kung iba siya, say mga schoolmates namin baka nagkandahimatay na sila. Psh.Ngiting ngiti ako pero nakatingin lang sa akin si Gom nang pairap. Ang sama ng tingin niya.May ginawa nanaman ba akong masama? Tss. KJ lang talaga yata siya. Hays...Nang papunta na kami ng Ma-ho-larn Production Bldg.--yung lugar ng fan meeting/mini-concert ni Jam na sobrang layo sa guest house ay inatake nanaman si Gom ng pagiging gala niya.Hinila niya ako kung saan-saan para tumingin ng mga bagay bagay, bumili at kumain.Lagi akong tumitingin sa relos ko habang palapit nang palapit ang oras ng fan meeting.Hila-hila parin niya ako habang naglalakad siya papunta sa kung saan. Pinagtitinginan na nga kami kasi ang ingay pa niya. Napapailing na lang ako habang sumusunod ako sa kanya. Hindi ko naman hahayaang mahiwalay sa katawan ko ang braso ko, ano.Pumunta kami sa ice cream parlor na pinuntahan niya dati. Tinry niyang subuan ako pero sinimangutan ko lang siya.:/  \/ .~~"Hindi ito ang time para magsweet-sweetan, Gom," sabi ko 'tapos napatigil siya.Napatingin ako sa relos ko. Wala na! Thirty minutes na lang ang event tapos na.Nakuha niya yata ang gusto kong sabihin kaya bigla na lang siyang tumakbo hila ako. This time, papunta na kaming Ma-ho-larn Productions Bldg. Sana naman magtino na si Gom!...Nakikita ko na ang building na may malaki pang poster ni Jam!"Marc!"Biglang huminto si Gom."Ano nanaman ba? May gusto ka nanamang bilhin?" baritonong tanong ko sa kanya. Naiinis na kasi ako."Yung bag ko," sagot niya, "naiwan ko sa parlor!"Tumakbo nanaman siya hila ako. =_________=...Nang makuha namin yung bag niya ay tumakbo nanaman kami.Dumaan kami ng overpass at dumating na sa site peroANG MALAS LANG!!!Humupa na ang tao sa building at kapag may tinatanong ako ay ang tanging sagot ay nakaalis na raw si Jam.Goodbye, opportunity. Tss. Hindi lang yun! Maghihintay nanaman ako nang kay tagal bago magka-chance na makita siya ulit.Sigh.Pinulot ko ang isang poster ni Jam na naiwan sa site.Wala na! T___T"Hoy, Marc, sorry..." nakalimutan ko siya pala ang dahilan. Lumapit siya sa akin, "sorry na..."Akmang hahawakan niya ako nang itabing ko ang kamay niya.Naghalu-halo na ang emosyon sa loob ko.Andun ang lungkot, kabiguan at panghihinayang. Pero higit sa lahat ng ito ay ang disappointment kasi si Gom pa ang dahilan.Tinalikuran ko na siya."So ganito na lang 'yon? Hahayaan mong matapos ang friendship natin dahil lang sa Jam na 'yan? Ang selfish mo naman!" narinig kong sigaw niya."Selfish?" nilingon ko siya. "Baka ikaw..."Umalis na ako doon. Lumayo ako sa kanya. Baka kasi ano pa masabi ko.... Nakatayo ako ngayon sa may street lamp. Nakasandal lang ako sa poste habang ipinapahinga ko ang mga braso ko sa gitara ko.Sa totoo lang, napag-isipan kong hindi dapat ako magalit kay Gom. Tampo lang.Wala naman kasing sense kung sasayangin ko ang friendship namin mula sa pagkabata dahil lang sa fandom ko.Mukha naman akong tanga kung pagpapalit ko ang isang taong kasabay kong lumaki at bespren ko pa sa isang taong sa media ko lang nakikita at hindi kilala sa personal.Ang dami pang chance para makita ko si Jam. Pwedeng mag-tour siya sa Pinas at makapagpanood ako pero ang friendship namin ni Gom? Ngayon ko lang ito maaayos.Ito ang totoong NOW OR NEVER!Pero hindi ako makabalik kung saan ko man siya iniwan. Hindi ko kasi alam kung paano aayusin ang gusot na ito. Masyado akong nahihiya kay Gom.Paano kung nagalit rin siya? (na posibleng mangyari kasi ang babaw ko) Paano kung ayaw na niya akong maging kaibigan?Masyado nang maraming bagay ang pumapasok sa isip ko dahil dito nang may kumalabit sa akin."Moshi! Moshi!"Tumingin ako sa kanya."Ugh!" nagulat ako kasi mukha ni Jam ang nakita ko pero paper mask lang.Napayuko ako nang ma-figure out ko kung sino ang nasa maskarang iyon. Nahihiya ako. Sa kababawan ko kasi inisip niya tuloy na kasalanan niya."Sumimasen..." nag-sorry siya sa akin in Japanese.Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya."Ako dapat ang mag-sorry, Gom," sabi ko sa kanya 'tapos nagulat ako sa kanya."Mou kireta, pressure no more!"* sabi niya.>> [*] Japanese: "so break it off, pressure no more!" (a line from "Ting Kao Sa" or ''Leave Him'' by K-OTIC)Bigla naman siyang sumayaw ng dance craze na pinauso ni Jam.Napapangiti na lang ako. Hindi naman kasi siya marunong ng Japanese at hindi niya rin sinasayaw yon pero ginagawa niya ngayon para sa akin. Trying hard nga siya pero ang cute. How sweet!Ang bading ko nanamang magsalita rito. Saka bespren ko siya.Siguro nagpaturo siya nang madalian.Tumigil na siya."Sorry kung ang babaw ko kanina pero sana sa susunod dalawa nang ice cream ang bilhin mo, ha?" sabi ko sa kanya 'tapos ginulo ang cream bonnet niya.At back to normal na uli kami (pero may kaunting hindi normal sa side ko) at ginawa niya iyong sinabi ko. Nag-ice cream kami. ^.^Namasyal kami at kumain pero lagi niyang suot ang paper mask. Sumiselfie pa nga kami minsan. Natatawa tuloy ang iba. Mas ok sana kung wala siyang paper mask.Pumunta kami ng isang park at ako ang nag-concert ako sa kanya.Kinakanta ko ang kinompose ko habang pinapatugtog ang gitara ko.<>Hindi na si Jam ang iniisip ko habang kumakanta kundi siya. Si Gom. Si Georginette Opaline Melantha.Pagkatapos kong kumanta lumapit ako sa kanya at inalis ko yung paper mask niya. Bumulong ako sa kanya, "Arigatou gosaimasu..."Bigla niya naman akong pinaghahampas at syempre tumakbo ako. Hinabol niya naman ako.Hmpt. Kinikilig lang yata siya. Haha. Asa!Nang pabalik na kami sa guest house hinawakan ko yung kamay niya pero inalis niya pero kinuha ko uli.Ayos na sana pero may umepal na dalawang lalaki. Nasa twenties na yata ang mga yun. Nagpapicture si Gom kasama ang dalawa at para daw fair pinicturan niya kami ng tinatawag niyang Tomo. Kenta daw ang pangalan ng isa. Members daw yun ng K-OTIC niya.Pinagbigyan ko na lang siya.Sumakay na kami ng train at tinitingnan ko ang mga selca/selfie namin. Habang ginagawa ko naman iyon ay napasandal siya sa balikat ko at napatalon naman ang puso ko. Nakatulog pala siya. Napagod yata. Ang kulit kasi.Napangiti na lang ako. Alam nyo, hindi naman talaga yung mga selfie na may paper mask siya ang nagpapangiti sa akin kundi ang mga selfie na mukha talaga namin ang nandun.Ang dami kong natutunan ngayong araw.Friendship is such a priceless thing. Once you had exchanged it from another thing you'd feel so much regret.At aside from friendship parang may bagong bagay na sumisibol.I THINK MY YOUNG HEART IS LEARNING TO LOVE SOMEONE AND FEELS THAT EVERY MOMENT WITH THAT PERSON COUNTS.It seems like being with her would just be NOW OR NEVER. ................................................................................................Original story from

KamiKaZe RSiam Thailand... You can watch it at youtube.com at WELOVEKAMIKAZE channel and find its lyrics' with English translation at deungdutjai.com. Just search "NOW OR NEVER by MARC".

[there are just some changes here]FANMADE PINOY version kz ito!THANK YOU SO MUCH FOR READING!:: layoutby:khun_luisa