ika-dalawamput tatlong p (1/1)
HYOYEON Pagkaalis ko sa bahay nila Fany at Yul, dumerecho ako sa bahay ko only to see my girlfriend sleeping in the couch with her mouth wide open. I had to laugh at how she looked like. I even took a photo. Minsan lang to e. I want to have a memory of this. Lumapit naman ako sakanya at umupo sa sahig para pagmasdan siya habang natutulog. Dumilat naman ang isang mata niya habang nakatitig ako sakanya. I had to smile at what she did. Ang cute ng Taeyeon ko e. "Kanina ka pa nakauwi?" gulat niyang tanong sakin habang nag iinat, halatang antok pa."Kani-kanina lang, actually. Anong oras ka nakauwi galing sa gig mo?" tanong ko at umupo na sa isang couch."Mga 10 AM siguro? Nag inuman pa kagabi after ng gig e. 3 na yata ng umaga natapos yung gig. I'm tired." inaantok niyang sambit. Palagi ka namang pagod. Kahit sakin yata e. "Then you should sleep sa kwarto na. Get up, Tae. Sa kwarto ka matulog para tuloy tuloy tulog mo." sambit ko naman sakanya. Hirap siyang bumangon dahil sa pagod at antok kaya tinulungan ko siyang maglakad hanggang kwarto. "Hyo, tabihan mo ako. Its been a while since nag katabi tayo." sambit niya sakin. Lasing pa siguro to. Kung ano anong sinasabi e. Sober Taeyeon wouldn't even think about cuddling in bed with me. Pero sinamahan ko pa rin siya though I know na this is just the alcohol talking, tinabihan ko pa rin siya. I just love you so much, Taeyeon Alexis Manaoat. YURI Another not-so-busy day dahil walang pasok at wala si Fany dito. Wala naman akong ibang magawa. I've done my script. Nakatitig lang ako sa kisame ngayon. I wish Tiffany was here with me. I already miss her. Nag ring naman bigla ang phone ko at makitang tumatawag si Soul dahil "Kaluluwa" yung pangalan nung tumatawag. I chuckled. "Hello, Soul?" bati ko sakanya sa kabilang linya."Hi Seobang, free ka ba today? Tulungan mo akooo." pag aaya niya sa akin."Saan naman, aber?" tanong ko sakanya."I have to do some last minute shopping kasi next week na yung kasal ni ate." sambit naman niya."Akala ko next month pa?" tanong ko lang muli."Yun nga e. Mag mamigrate daw kasi sila agad ni kuya after ng kasal and kailangan na nilang magpakasal ng mas maaga so therefore, next week na ang kasal. I'll tell Hyoyeon about it. Invited rin siya e." paliwanag niya."You just met my best friend, Soul." natatawa kong sabi."What? Nag click kami agad e. I have to invite her. And ininvite niya rin naman ako ah? Next next week right? She texted me already." sagot niya naman."Okay then, sunduin kita? Or I'll see you sa mall?" tanong ko lang muli."Sundo moko, Seobang. Thank you. Mag ingat ka sa pag drive ha? Let me know kung paalis ka na ng bahay mo." sambit niya bago ibinaba ang tawag. Napangiti naman ako. Its been a while since I've shopped with Soul. Naalala ko pa yung berdeng bestida nun. Kailangan ko pa siyang suyuin para lang hindi mag tampo kasi reklamo ako ng reklamo sa damit na pinipili niya para sa akin. Nang sunduin ko siya, wala naman siyang ibang kasama sa bahay. It was just her. Ate Rachel was probably busy with her wedding preparations tapos sabi ni Soul, may pasok raw si Krys. I missed the old times. Yung pag uwi namin galing sa school, imbes na sa bahay ako uuwi, kina Soul muna ako mag sstay kasi gusto kong tumulong kay tita sa restaurant nila. While Soul just watches us habang nangungulit. Nakakamiss maging bata na walang ibang iniisip kung hindi ang sarili at gagawin sa mga susunod na araw. Pinutol naman ni Soul ang pag dedaydream ko dahil mahina niyang tinapik ang pisngi ko. "Huy, nababaliw ka na ba? Nangingiti ka mag isa jan?" nag aalala niyang tanong. Natawa naman ako. Nakakunot kasi ang noo niya at bakas sa mukha niya ang pag aalala kaya lalong nakakatawa."I'm great, Soul. Nakakamiss lang maging bata." sagot ko at patuloy na naglakad habang hinihila niya ako papasok sa mga shops."Weird mo ha?" sagot niya lang. Ilang oras rin siguro kaming nasa loob ng mall hanggang sa mag aya na siyang mag dinner. Mag aalas siete palang naman ng gabi pero madilim na kasi ng ganitong oras. "Seobang, anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami at nag hahanap kung saan pwedeng kumain."Gusto ko streetfood ngayon, Soul. Gusto ko ng barbecue e." sagot ko naman saka hinila siya papunta sa madalas naming pinag kakainan ng tropa nung college. Malapit lang kasi yun sa mall e. Good thing na inilagay na muna namin mga nabili niya sa kotse. Pagdating namin dun, agad akong napangiti. Dozens of memories suddenly flashed in my head. And now, I'm making a new one. "Soul, alam mo ba halos palagi kaming nandito nung college. As in, inuman, after ng finals, pag may occasion, kahit ano pa yan. Madalas kaming nandito." kwento ko habang naglalakad papasok. Tahimik lang naman siya na sumusunod sa akin. I had to look at her. "You okay?" tanong ko nang makaupo na kami. She nodded with a smile on her face."Gusto ko lang na nagkkwento ka about sa college life mo kasi we didn't get to spend it together. And I've missed you. Ikaw lang may balita sa akin dahil sa segment mo sa radyo e." biro niya sa akin. Ngumiti naman ako at tinitigan siya. She still looks the same. Pero hindi na siya patpatin. She looks more beautiful kasi may konting laman na siya sa katawan. And not gonna lie, I've missed her. I've missed my Souline. "Ikaw ha... Alam mo palang ako yun kaya ka pabalik balik." natatawa ko pang biro sakanya."Of course, I would. It was you after all. And sabi ko naman sayo diba? I've missed you and it felt right nung mag simula akong mag pabalik balik sa segment mo. I enjoyed it." kwento niya pang muli. I smiled at what she said. As usual, Soul always know what's the perfect words to say. "I'm glad na nagpabalik balik ka, Soul. It was very entertaining. You made it so entertaining. Though, you have to pinpoint everyone you dated sa mga kwento mo." biro ko pang muli. Nagsimula na nga siyang mag kwento. Its been a while since I last talked to someone like this. Si Yoona lang kasi kasama ko nun at si Soul hanggang sa kinailangan naming lumipat ng bahay nung 2nd year high school ako kaya nahiwalay kami ni Yoona kay Soul. Sa sobrang caught up namin sa pag kkwekwentuhan, hindi namin namalayan na malapit na palang mag alas diyes. Tumatawa lang si Soul habang nag aayos ng gamit niya. Inaaming, madaldal siya ngayon kaya kami natagalan. I enjoyed it nonetheless. I enjoyed her company. Hinatid ko na muna siya sa kanila saka umuwi ako sa bahay. As usual, I'll be alone na naman. Pag uwi ko, dumerecho ako sa kama at humiga dahil sa pagod kakalakad sa mall kanina. Naramdaman ko naman ang vibration ng phone ko na nasa kamay ko. Agad ko itong tinignan at agad rin akong napaupo nang makita kong tumatawag ang girlfriend ko. Agad kong sinagot ang tawag dahil sa pagkamiss ko sakanya, it was a video call. "Hello, love?" kinikilig kong bati sakanya. Naramdaman ko naman ang mabigat na energy niya dito. Na para bang katabi ko lang siya."Hey, Yul. Sorry, I've been too busy with work. Pag dating ko, work agad inatupag. I haven't even slept. Pinakamahaba kong tulog is dalawang oras." she sarcastically chuckled. Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Working in Korea means less time for herself talaga. Ano pa kaya yung time para sakin diba? Pero gets ko naman. I understand everything. "Sorry wala ako jan, love. Anong oras na jan ah? Get some sleep na kaya? We'll talk ulit soon, kung kelan ka mas available. Pahinga ka muna, you look so tired." nag aalala kong sambit sakanya."I'll be fine. Sure, thanks Yul. I really should be sleeping na. I really need to rest. Work again tomorrow." sambit niya na may pilit na ngiti sa labi."Wag kang mag pagutom jan ha? And sleep well, love. I missed you. Call me whenever you can, alright? I love you." sambit ko sakanya ng may malaking ngiti sa labi."Sure, Yul. You too. Take care." sagot niya lang saka binaba ang tawag. There's still something that's bothering her e. I just can't pinpoint what it is. She won't even tell me things. Or probably I'm too scared to ask. YOONA "Hyunnie, dinner tayo mamayang gabi. May gusto ka bang kainin?" tanong ko kay Juhyun na nagbabasa ng libro ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit siya nagbabasa ng libro e kakatapos lang ng finals namin. Jusko di kasi napapagod mag aral tong mahal ko e. Sinundot ko naman ang tagiliran niya dahil masyado siyang immersed sa binabasa niya. Nakakunot ang noo habang inaanalyze ang contents ng kung ano mang binabasa niya. Seeing her this serious makes me smile. Ewan ba. Lahat naman yata ng ginagawa ni Juhyun nakakapag pasaya sakin. Napatingin naman siya sa akin dala ng pagsundot ko sa tagiliran niya. She looked at me confusingly bago nag salita. "Bakit, Yoong?" tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako sakanya at umiling."I was asking you na mag dinner pero we can talk about it later naman. Just... Continue what you're reading. And I'll continue what I'm doing." nakangiti kong sambit sakanya."And that is...?" tanong niya pa."Admiring your beauty." sagot ko ng may malaking ngiti sa labi. Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Juhyun sa sinabi ko. I grinned wider. "Yoona, you're getting cheesy." natatawa niyang sambit."Sayo lang naman. In fact, you like me cheesy." natatawa kong sagot. Gumanti rin siya ng ngiti sa akin sabay kurot sa braso ko."I can believe I'm in a relationship with a cheeseball." natatawa niya pang sambit bago mag tuloy na magbasa. I'm going to show Hyunnie everyday that I deserve the love she's gonna offer me. Heck, I'd even be happy if I court her for the rest of my life. Basta siya. Basta si Juhyun. SUNNY Miyerkules na naman ng umaga kaya nandito na naman ang higanteng di mapirmi sa cafe niya. Dahil palagi namang nag pupunta si Sooyoung dito sa school bago mag start ang klase, aaminin ko nang inaabangan ko na rin siya. Nasanay na rin sigurong palagi siyang nakikita first thing in the morning. I like it. It's already 7:16 AM at madalas, alas siete palang, nandito na si Sooyoung. Of course, alam ko kung anong oras siya palaging nandito. I constantly check my watch e. Nakita ko namang pumaparada maroon na kotse nina Giselle, tito niya ulit siguro naghatid sakanya. What I didn't expect is Sooyoung also getting out of their car, na may hawak na breakfast. Probably para sa akin yun since she always gives me breakfast, kasi raw madalas kong nakakalimutan kumain. May malaking ngiti si Sooyoung sa labi nang pinag buksan siya ng pintuan nung tito ni Giselle. I watched them carefully hanggang sa maglakad na papalapit sa akin si Sooyoung. Minsan, hindi ko rin maintindihan tong babaeng to e. Madalas, pakiramdam ko, gusto niya ako, pero minsan pakiramdam ko, ginagago niya lang ako kasi ayaw niya pang mag commit. Or hindi niya lang talaga ako gusto? Am I just imagining things? "Eyow, pandak!" bati niya sa akin na may malaking ngiti sa labi sabay abot nang breakfast na malamang prinepare niya bago pumunta rito. "Wala ka na namang magawa sa buhay, Higants? Thank you." pagpapasalamat ko sakanya. "Anytime." sagot niya sabay kumindat pa sa akin. "So... Tatambay ka ulit sa garden?" tanong kong muli. Umiling naman siya na ikinagulat ko. Well, that's a first. "I'm actually gonna go na rin after long ibigay breakfast mo sayo. I gotta make sure na kumakain ka pa rin. Nag aaya rin kasing magkape si Kyungho kaya I have to go na rin. I'll be back naman tomorrow." paliwanag niya sa akin. Oh. Magkakape sila nung tito ni Giselle? Huh. Well, that's... Weird. Nginitian ko lang naman siya at tumango. "Sige na. Mukhang inaantay ka na nung kasama mo. Mag ingat ha? Thank you sa food, enjoy kayo!" sagot ko lang at nag punta na sa table ko nang umalis si Sooyoung palabas ng classroom. I'm tired of Sooyoung's mixed signals yet I'm scared to ask her at takot rin akong isugal ang kung anong meron kami ngayon. Why is life so complicated? TAEYEON I have a gig ulit. Nakakapagod minsan tong trabaho ko but it's fulfilling. I've always liked performing in front of people. I was sober when I asked Hyoyeon to lie down beside me. Ewan, I just felt the need to be close to her. I thought I needed her to think na nandito rin ako para sakanya. It wasn't so bad. I mean, sleeping beside her. But it's still uncomfortable, it's kind of awkward. Alam ko, hindi dapat ganito kasi were dating for almost what, two years na? When she woke up, naramdaman kong umalis siya sa tabi ko. Naramdaman ko rin ang paglagay niya ng kumot sa akin kasi she knows na gusto kong nakabalot ako sa kumot. Hyoyeon always knows the little things. She probably knows everything about me. Mga 30 minutes siguro, triny kong muling matulog. Nung di na talaga ako makatulog, bumangon na ako at inayos ang kama. Paglabas ko sa kwarto, nakita ko si Hyoyeon nagpeprepare ng merienda. Hapon na kasi. We slept agad after niyang dumating mula kina Yuri. She always cares. That's the best thing about Hyoyeon. Napakamaalaga niya, sweet kahit hindi niya masyadong ipinapahalata. She's also funny, she's really funny. And she does her job well. Magkakandarapa siguro ang mga tao na mapunta sa pwesto ko ngayon. It's just that... Kahit alam kong Hyoyeon is amazing in everything she does... May kulang pa rin. Pakiramdam ko, hindi pa rin siya buo. Na hindi siya yung bubuo sa akin. It's unfair to think like that lalo kung ganun kabait ang girlfriend ko. But I can't help it. SEOHYUN Yoona was sitting in front of me, she was typing something sa laptop niya. I looked at her. Habang tinitignan siya, I realised kung gaano na kalalim yung nararamdaman ko towards her. I've liked her for a while now, we've known each other for more than five years and I've liked her for four years, I think? Not a short while to be honest. I was just scared to take it to the next level lalo na't hindi naman ako sigurado noon kung may nararamdaman din ba siya sa akin. I was even considering na wag nang ipaalam sakanya habang buhay, if I can. But thank God na umamin siya. I wasn't really expecting it. Unexpected kasi yung pag amin niya. I was hoping for it but it wasn't guaranteed. Puro kasi mixed signals binibigay niya sa akin noon. Selos lang pala katapat ng nag iisang Yoona Falaminiano. "Yoongie." pagtatawag ko sa atensyon niya. Bumaling naman siya sa akin at tinignan ako."Hmm, bakit Hyun? Gutom ka? Tara sa cafeteria? O gusto mo sa cafe sa labas? Wala naman tayong klase na diba?" tanong niya pa sa akin. Umiling naman ako at tumayo mula sa kinauupuan ko para matabihan siya. "I'm okay, Yoong. I just wanted to sit beside you. Ano bang ginagawa mo?" tanong ko pang muli. Nginitian niya naman ako at kinuha ang isa kong kamay para hawakan. I also smiled at the small gesture. "Thank you, Hyunnie." mahina niyang sambit sa akin saka humalik sa noo ko."For what?" tanong kong pabalik."For reciprocating my feelings. Atsaka thank you sa palagi mong pag aalaga." sambit niya pa ng malumanay."Walang anuman, keso. Anything, basta para sayo." sagot ko naman sabay pisil sa kamay niya na hawak pa rin ang kamay ko. Maya maya, bumitaw na rin siya sa pagkakahawak sa kamay ko para ituloy ang ginagawa niya. "I love you." bulong niya muna sa akin bago ituloy ang ginagawa. Napangiti nalang ako sa sinabi niya. She already knows my answer. At hindi yun magbabago anytime soon. YURI I was baffled, hindi makatulog matapos ang maikli naming pag uusap ng girlfriend ko. Hindi ko naman inexpect na tatawag siya ngayon at lalong di ko inexpect na ganun lang kabilis siyang tumawag. I understand naman na pagod siya and all but she could spare me a few minutes naman diba? Hindi dapat ako mag reklamo. Ako yung nagsabi sakanya na mag pahinga na so hindi dapat ganto sinasabi ko ngayon. I was just looking at the ceiling hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. A/N: sorry na-delay ang update, guys!! nag stay kasi ako with my tita and her friends sa beach for a couple of days so ayun, di ako nakapag update. also, happy birthday, Sooyoungie, Seulgi and Naeunnie!! I hope those three had a blast. go and wish them a happy birthday, everyone!! and sana rin nag enjoy kayo sa update, i gave you bits and pieces of everything. see you sa weekend!!