ikalimang pahina (1/2)
SOOYOUNG Alam kong nakita ni Yuri yung malaking ngiti na ibinungad sa kanila ni Taeyeon. Hindi ko ba alam dito sa nga kaibigan ko kung tanga sila. Nanahimik lang ako matapos kaming magbatian nina Fany. Nakatingin ako ngayon kay Hyoyeon na tawang tawang binibiro si Yuri. Napadako ang tingin ko sa girlfriend niyang si Taeyeon na nasa tabi lang niya. She was smiling. At Tiffany. Iwinaksi ko nalang ang nakikita ko at patuloy na nakitawa sa kanila. Bigla akong kinalabit ng katabi kong si Sunny. Tinaasan ko siya ng kilay bago ako nagtanong. "Oh, bakit Soonkyu?" tanong ko lang sakanya.
"Pansin mo rin?" bulong niya sa akin. Pinitik ko naman siya sa noo kasi nakikiliti ako kakabulong niya.
"Anong napapansin? Wala, wala akong napapansin." sagot ko lang at uminom ng beer na nasa mesa. Tumango nalang siya at mulling kumain. Hindi nga lang ako ang nakakapansin. But it's too early to tell. Baka guni-guni lang rin namin to. TIFFANY Tahimik lang si Yul sa tabi ko which is very unlikely of her. Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya ng may matamis na ngiti sa labi ko."Love?" pag tatawag ko sakanya. Inilapit naman niya ang tenga niya sa akin para marinig ako ng mabuti. Open mic kasi ngayon dito sa resto nila Seul kaya medyo maingay.
"Hmm? Bakit, love?" tanong niya lang sa akin habang hawak ang bewang ko. Napangiti ako.
"Is there something wrong?" tanong ko sakanya. Hinawakan ko nag kaliwang pisngi niya, nakangiti naman siya sa akin na sumagot na okay lang raw siya.
"Love, I'm doing great. Ikaw ba? Something's bothering you?" tanong niya pabalik sa akin. Umiling ako at sumandal sa dibdib niya. Yakap yakap niya na ako ngayon sa bisig niya. "Sabihin niyo lang naman kung nakakaistorbo kami, ano?" pambibiro ni Sooyoung sa amin. Tumawa lang ako na nasa bisig pa rin ni Yuri. HYOYEON Tahimik naman talaga si Taeng, ever since. Hindi naman mahilig magsalita or magpakita ng sweetness. Hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Pinisil niya ang kamay ko, indicating na okay lang siya.Ang ingay magharutan nitong dalawa dito sa tabi ko, jusko. Si Yoona at Juhyun parang tanga. May feelings naman sa isa't isa pero di nag aaminan. Mga pota talaga.Si Soo at Sun naman nakikipag biruan lang sa magjowang katabi nila. Tinutusok tusok pa ni Soo ang tagiliran ni Fany para mapaigtad siya at makiliti.I love seeing my friends like this. Happy. Tumingin ako kay Taeyeon ulit. The one who gives me happiness. My happiness. Hawak hawak pa rin niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Binulungan ko siya."Taeng, I love you." bulong ko sakanya. Tinignan niya ako at ngumiti habang tumatango.
"Ako rin, Hyo." nakangiti niyang sagot. Ngumiti lang ako ng pilit. We've been going out for a year na. She still hasn't told me the words, "I love you." I know, ang babaw ko, diba? Pero if you're in my place, siyempre, gugustuhin mong marinig ang mga katagang yun mula sa mahal mo.Nagsimula nalang ulit akong mang asar sa mga kaibigan ko nang mawala tong sakit sa dibdib na nararamdaman ko ngayon. It works though. SEOHYUN Nagpasama ako kay ate Yuri sa cr. Inakbayan niya naman ako habang papunta kami."Bunseo, kailan ka aamin?" tanong niya sa akin. Ngumuso ako. Alam kasi ni ate Yul feelings ko para sa magaling niyang pinsan.
"Ate, Yoona doesn't like me so what's the point of confessing?" tanong ko rin kay Ate Yul.
"You can always take the risk, bunseo. Pero it's up to you. Kung ayaw mo pa sa ngayon, it's okay. Pero you don't have all the time in the world ha?"pagpapaalala niya sa akin. Tumango lang ako sakanya. Ginulo niya ang buhok ko at inantay ako sa labas ng cr.I know this isn't the right time for me or Yoong. Hindi kami magwowork kapag pinili namin ngayon. I just hope na malapit na yung time na maitry namin... YURI Habang inaantay si Seohyun sa cr, nag iisip isip lang ako. May pasok na bukas and I really want to spend time with Fany more. Hindi ko alam kung kailan na naman siya aalis ng bansa. Ang alam ko lang is malapit na ulit yun. Ang hirap rin kasi ng trabaho ni Tiff, sobrang draining madalas.Paglabas ni Seobb ay bumalik na rin kami sa table namin. Hinawakan ko agad ang kamay ni Fany at marahan itong pinisil. Tinignan niya naman ako at ngumiti. Her smile. Sobrang nakakagaan ng loob yung ngiti ni Fany. Ang sarap niya nakitang ngumiti lalo na't ako yung dahilan."Love, sing a song." pagpapacute niya sa akin. Nakanguso pa at nakapuppy eyes. Jusko, Tiffany Louise. Makakahindi ba ako sa kacutan mo? "Ihhh." pagmamaarte ko pa. Humaba naman ang nguso niya sabay pinag krus ang mga braso.
"Please, loveee. For meeee." pangungulit niya pa. Ngumiti ako at hinalikan siya ng mabilis. Narinig ko naman na umuubo na ang mga kaibigan namin at nangangantyaw pa.
"Okay, love. What do you want me to sing?" tanong ko pa sakanya. Niyakap niya ako at bumulong sa akin.
"lovelovelove." bulong niya. Napangiti ako sa napili niyang kanta. Ever since na ipinakilala ko sakanya si Yerin Baek, she has always listened to her. Ngayon, dalawa na kaming may gusto sa music niya. Nagnakaw pa ako ng isang halik bago ako tumayo at pumunta sa stage kung nasaan magpeperform ng open mic. "GO SEXY LOVE!!" sigaw ng girlfriend ko para mapukaw ang atensiyon ko nang nasa stage na ako. Nagflying kiss ako sakanya. Tawang tawa naman si Sooyoung na pinakyu pa ako bago sumigaw."Ang landi mo Montenegro!!" sigaw niya. Aba, tangina nito talaga. Porket walang jowa. Tinanong ko yung staff kung pwede bang ako yung tumugtog. Pumayag naman sila. Inabot ko yung gitara at nag simula ng kumanta.If I ever have to leave, where would I go?
Should I really have to leave?
Where do you think I should be?Tinignan ko si Fany na may malaking ngiti sa labi habang kumakanta ako. I smiled at her wholeheartedly.You know I always wanna be
Somewhere or anywhere that near by you
I wanna make this love clearly
Make it more longer, make it more strongerRamdam ko sa bawat pag sambit ko ng mga kataga sa kanta, ang pagmamahal na ipinapakita sa akin ni Fany sa bawat pag ngiti niya. Habang kumakanta, may malaki rin akong ngiti sa labi. And I wish we'll be together
When life makes us apart and tears us apartHuminga ako ng malalim... At nag salita. "I love you, Tiffany Louise Vera." sambit ko bago nagpatuloy muling kumantaYou're the poet in my heart