Ang Unang Kabanata (1/1)
Nanaginip ako kagabi. Syempre share ko sa inyo. Napanaginipan ko kasi crush kong si Bae Irene. Ang ganda talaga niya, nyeta. Front View, right and left side views, back view, kahit top and bottom view pa, maganda pa rin. Yung maamo niyang mukha pero intimidating ang aura kapag seryoso, yung cheeks niyang pink na mukhang masarap ikiss, yung lips niyang maliit hehe, yung maliit, matangos at cute niyang ilong, yung pilik mata niyang nakacurve, yung kilay niyang may sariling buhay at yung nagniningning niyang mata, sobrang ganda ng features niya at nagkocompliment sa isa't isa. Pero yun na nga, magkukwento pala ako.Once upon a time, in my dreamland, nakaupo ako dulo ng room, malapit sa bintana. I am your typical cool girl na nakaearphones at nagmumuni muni habang nakatingin sa langit. Lupet. Syempre nakalugay ako tapos medyo natatakpan ng itim at mahaba kong buhok yung pisngi kong cute kaya medyo cool talaga datingan natin. "Tangina mo bagal mo magkwento, bilis- bilis." Ay oo nga pala, kasama si Byul sa inyo na kinukwentuhan ko, pati pala si Joy na nangungulangot. "Ang detailed pota parang di naman totoo." Ayan ipinahid niya yung kulangot niya sa pader. Dahil kontrabida siya magiimbento ako ng mga ginagawa niya para maniwala kayong baboy siya. "Panget niyo, dapat nga honored kayo kinukwentuhan ko kayo ng malupet kong panaginip." Inirapan ako ni Joy, kasi maldita siya. Tumawa naman si Byul dahil bored na siya kaya wala siyang choice kundi makinig sakin. So ayun na nga, katulad ng mga istoryang paulit- ulit kung saan, may pumasok na magandang babae sa pintuan sa harap. Hulaan niyo kung sino? Hulaan niyo, hulaan niyo. Sige nga sino? "Tapos lumapit siya sa'yo nang di mo alam kung bakit kaya tinanggal mo yung earphones mo, tumingin ka sa kanya tapos nginitian ka niya tapos sabi niya sa'yo, this is our first day together. Bitch." Siya si Wendy. Ang pakialamera kong kaibigan, putangina. "Ayoko na! Bahala ka'yo, ang ayos kong kausap, ginagago niyo ko." Tumawa ang dalawang ungas at binatukan si Wendy. Mga hayup. Mga kontrabida ng buhay ko. Tumayo na lang ako at dumiretso na sa upuan ko sa likod, pero hindi malapit sa bintana, di naman ako cool girl. Maka-tulog na nga lang. "Huy gago ka Wends suyuin mo 'yon." Asar ni Byul. Bubulong pa rinig ko naman. Mga hayup talaga. "Tampururot na naman si Kangkong!" Kiniliti ako ni Joy at naupo na sa tabi ko. Seatmate kami ng panget, tapos nasa harap naman si Byul at Wendy dahil late ng dating. Pero lilipat din mga yan after ng klase namin ngayon. "Si Irene oh!" Lumingon naman ako sa harapan at wala akong nakitang Irene kaya pinalo ko si Joy sa braso at ginantihan ako ni gaga. "Tangina ka bigat-bigat ng kamay mo, wag ka gaganti!" Tinawanan lang ako ni gaga at nagfocus na siya sa cellphone niya. Tahimik na rin yung dalawa sa harap. Actually isa na lang pala, wala si Byul. Malamang nakikipagmomol na naman 'yon sa fire exit, haha. Kilabots. Si Wendy naman nag-aaral, kakasuka. Pinaglihi ata ng nanay niya sa advance study. "Hoy Seul gagi, inadd ako ni Irene!" Kinalabit ako ni Joy at napangiwi ako sa sakit pero di ako nagpatinag. Baka ginogoyo na naman ako ni gaga. "Patingin nga." Syempre joke lang, basta Irene nangunguna dapat tayo. "Gagi Hahahahaha. Ikaw inadd ka?" Hmmm. Naeexcite ako na hindi, ayoko maheart broken shet. Dahan- dahan kong kinuha yung cellphone ko at damn, why do you have to do this to me Irene? Tiningnan ko si Joy at nabasa niya ang ekspresyon sa mukha ko. "Okay lang yan Seul, wag ka mag-alala hindi ko siya iaaccept. Ays ba?" Kinindatan naman ako ni Joy. Pero mabigat pa rin ang loob ko. Bakit ako hindi mo inadd? Sabay mo naman kaming nakilala ni Joy? Shet kakatampo ka. Shet mukha akong tanga. ..... Pauwi na kami ni Joy, may klase pa kasi si Byul at Wendy kaya kaming dalawa lang magkasabay pauwi. Uwian si Joy at ako naman ay nagdodorm sa malapit, walking distance lang. Medyo madilim na rin kaya di ko na inaya si Joy kumain kasi baka gabihin pa sa byahe kawawa naman. "Sige Joy, ingat!" Hay. What a day. Very boring. Di ko man lang nasilayan ang magandang mukha ng crush ko. Bakit ba kasi Monday ngayon, cheer up ko na nga lang sarili ko since Tuesday naman bukas at makikita ko ang nag-iisang binibini ng buhay ko. Niyakap ko na ang sarili ko habang suot ang hoodie kong cute like me. Aking kama, here I come! "Hi, excuse me." May narinig akong maliit na boses kaya lumingon ako sa likod ko kasi parang ako yata kausap. "Classmate ba kita sa Stats?" Oh my. Nananaginip ba ako uli? This sure feels like a dream. ---------------Actually, wala pang direksyon tong istoryang 'to. Hahahaha Gusto ko lang magtype nang kung ano.