Sino
Kung saan umaasa si Mina na kahit isang gabi man lang ay hindi siya matulog nang mag-isa. O kung saan hinihiling ni Wendy na kahit isang umaga man lang ay gumising siya nang may kasama. Sino kaya ang pagbibigyan ng tadhana? Foreword"Malay mo naman," sabi ng kaibigan niya na halos hindi na marinig ni Mina sa sobrang lakas ng sigawan ng mga tao sa club. Napansin siguro ni Jeongyeon ang kunot sa pagitan ng dalawang kilay niya kaya lumapit ito sa kanya at bumulong, "Sabi ko, malay mo naman dumating." Mabilis na umiling si Mina at pabirong umirap. May umuusbong na pag-asa sa kanyang dibdib na pilit niyang hindi pinapansin. Mahirap na. "Imposible." Hindi na niya pinansin ang mapanuring titig ni Jeongyeon sa kanya matapos niyang sumagot. Nawala na ang atensyon niya sa usapan nang lunurin siya ng malakas na tugtog, makukulay na liwanag at masasayang tawanan ng mga nasa dancefloor. Iginala niya ang mata niya, pilit hinahanap ang babaeng may maikling buhok, mapungay na mata at maninipis na labi. Wala na siyang pakielam kung makita man niya itong may kausap na iba, o kasayaw, o kalandian. Puta, kahit maghalikan pa sila sa harap niya. Isang sulyap lang. Napaigtad si Mina nang kumalampag ang bote sa counter, "Pano mong alam? Wala naman akong binanggit na pangalan." Mapang-asar ang tawa nito at dumampot ng baso upang punasan, "Ikaw ha." "Hindi na kailangan," sumilay ang maliit ngunit mapait na ngiti sa mga labi ni Mina, "Alam ko naman na kung sino." a/n: itataguyod ko tong bangka na to kahit ako lang mag-isa huhu (inspired by sino - unique salonga)