Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya

Crush 50K Active
Latest: Piptin.
Time: 2023-11-02
Summary:

“Yana?” Tawag niya.Kumagat ako sa ibabang labi ko at napaisip ng magandang punchline. Kailangan cool, casual at hindi awkward (kahit parang medyo awkward na talaga kami ngayon pa lang). Iniisip ko kung magpapanggap ba ‘ko na walang nangyari, mag-aastang patay-malisya na as if hindi kami nag-iwasan nang dalawang linggo matapos ng weird na “away” namin. Gusto kong maging casual kasi gusto kong lumebel sa kanya. Alam ko kasing hindi siya nag-o-overthink kagaya ko ngayon.Sa tagal kong sumagot, napabuntong-hininga na lang si Jeon Jungkook, “bakit ko ba ‘yon tinatanong na parang magkaibigan tayo?”Aray naman po. Burn, ha. Yung tipong burn na wala man lang decency na magbigay ng notice. Pamilyar na pamilyar na ko sa ganitong pakiramdam.Nakakainis. Nakakaasar na para akong gago na nakakapit sa bawat kibot, bawat kilos niya. Na kaunting bitaw niya lang ng mga salitang gaya nito, naapektuhan ako, nasa intensyon man niya ‘yon o hindi, halimbawa, na saktan ako. ForewordDetalyepamagat: kung bakit ayaw mong malaman ng crush mo na crush mo siyaawtor: amusingmurdermachinemga tauhan: kim yana (oc), jeon jungkook, park jimin, kim chi (oc), kim namjoon, choi dasom (oc) yoo minjung (oc), and with special participation of the original glazed doughnutwikang gamit: a strange hybrid of filipino and englishtema/genre: high school life, comedy, romance, teen drama, fluff, au, crushesrating: PGsukat: multi-chapteredbilang ng mga salita: ...estado: under revisionepal lang na pahapyaw: minsan, sa sobrang kapapanood at kababasa mo ng mga lintik na love story, nagiging assumera ka. kaya naman pag hindi nangyari ang inaasahan mo, don ka nasasaktan. pero hindi naman ibig sabihin non, na kailangan mong magmukmok dahil lang hindi likely na maging katulad sa mga pelikula at teleserye ang buhay mo. minsan, kailangan mo lang maging totoo sa sarili mo at maghintay para malaman mo ang sarili mong kwento.a/n: una sa lahat, wala itong kinalaman sa gawa ni Ramon Bautista na may katunog na title. Kung meron man, I wouldnt know kasi hindi ko pa yon nababasa. Lumang kwento na ito at bata pa ko nang isinulat ko ito, kaya pagpasensyahan niyo na :) hindi to fanfic dati kaya syempre pinalitan ko na lang ng k-idols yung karamihan sa original characters.credits: background / poster baseDisclaimer: The author is not affiliated with the celebrity characters in real life. This is a non-profiting work of fiction meant for entertainment purposes only.All rights reserved. No part of this work may be used or reproduced in any manner whatsoever without permission from the author except if you simply want to quote craps from here to lecture your kids what not to do. Even so, learn to credit properly.The author reserves the exclusive right to modify details (e.g. the name of the character/s used) and the general form and writing of the work whenever she sees fit.Copyright © 2014-2016 by amusingmurdermachine

Top